Ayon na datos na inilabas ng "Expensivity," isang consumer website, kinakailangang kumita ng isang Pilipino ng aabot sa $28,264 o 1.4 milyong piso upang maabot ang "satisfaction" o kasiyahan.

Larawan mula sa website ng Expensivity

Sa pag-aaral na inilabas ng Expensivity na may titulong "The Price of Happiness in Every Country," binigyang-diin nito na ang "reliable" at komportableng kita o sahod ay nakakatulong-upang padaliin at pagaanin ang buhay.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ani nito, "Poverty is stressful and leaves long-term damage. The illusion that wealth is meritocratic deprives low-earners of their self-esteem. This is why the money it takes to make you happy can be counted in the tens-of-thousands, rather than the millions."

Kaya naman binigyang halaga ng pag-aaral ang "happiness premium" o "price of happiness" sa bawat bansa sa pamamagitan ng "Purchasing Power" ratio mula sa World Bank.

Narito naman ang mga 10 lugar na may pinakamataas na "price of happiness"

1. Bermuda - $143,933

2. Australia - $135,321

3. Israel - $130,457

4. Switzerland - $128,969

5. New Zealand - $128,844

6. Norway - $114,147

7. Denmark - $109,142

8. Japan - $107,587

9. Iceland - $107,351

10. United States - $105,000

Kung mayroong mataas, naglabas rin sila ng 10 lugar na may pinakamababang "price of happiness"

1. Suriname - $6,799

2. Argentina - $8,778

3. Angola - $8,921

4. Kyrgyzstan - $8,997

5. Iran - $10,134

6. Zambia - $10,224

7. Sierra Leone - $10,498

8. Ethiopia - $10,681

9. Turkey - $10,742

10. Nicaragua - $11,273

Para sayo tunay nga bang "money can buy you happiness?"