Pinayuhan ng isang infectious disease expert ang publiko na huwag maging kampante laban sa Omicron variant sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“Ang Omicron po ay virus, hindi po siya bakuna. Hindi katulad ng mga bakuna natin na very safe at hindi naman nakakahawa ng mga tao, itong Omicron po ay pwede pa rin pong magdulot ng malaking pinsala,” pagpapaliwanag ni Dr. Edsel Salvana sa isinagawang virtual press briefing nitong Biyernes, Enero 7.

Reaksyon ito ni Salvana sa pahayag ni Nicanor Austriaco, isang molecular biologist at miyembro ng OCTA Research group, na "blessing" ang pagdating ng Omicron sa bansa at ito aniya ay “the beginning of the end” ng COVID-19 pandemic.

“Sabi nga po ng World Health Organization (WHO), hindi po dapat tayo nagkakamali na tawagin itong Omicron na mild. Bagamat kung fully vaccinated, mababa ang tiyansa na mamatay at magkaroon ng severe [symptoms], alam naman natin na meron pa rin tayong mga kababayan na hindi bakunado, o kung bakunado ay nasa vulnerable population," paliwanag niSalvana.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Masyado rin aniyang maaga na sabihing“beginning of the end” ng pandemya ang Omicron variant.

“If there’s one thing constant about COVID-19 and the SARS-CoV-2 virus, [it] is that it has surprised us again and again,” sabi nito.

Binalaan din nito ang publiko na huwag magpakampante laban sa nabanggit na variant at ipairal pa rin angminimum public health standards, at magpabakuna upang maiwasang lumaganap ang sakit.

Charie Mae Abarca