Ipinag-utos ni Senate President Vicente Sotto III nitong Biyernes, Enero 7 na i-lock down ang Senate complex dahil 46 na empleyado na ngayon ang mayroong aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa ngayon, 175 na mga empleyado ang nasa ilalim din ng quarantine dahil sa exposure at manifestation ng mga sintomas ng COVID-19 at naghihintay pa rin ng resulta ng swab test, ani Sotto.

Sa isang mensahe sa mga Senate reporters sa pamamagitan ng kanyang Viber account, binanggit ng Senate chief ang isang memorandum na ipinadala sa kanya ng Senate Medical team na nagrekomenda ng pitong araw ng kabuuang pagsasara ng Senado mula Enero 10 hanggang Enero 16.

“’They will conduct thorough disinfection and this will lessen contact among employees to prevent or slow down virus transmission,” sabi ni Sotto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Also five staff of our Medical Bureau are under quarantine which has depleted their workforce and they find it hard to attend to the needs of the employees,” pagpupunto ng senador.

Binigyang-diin ni Sotto na inirekomenda ng Medical Bureau ang kabuuang pagsasara sa loob ng pitong araw upang ‘’walang makapasok sa lugar ng Senado maliban sa mga magsasagawa ng disinfection sa Enero 8 at 15.’’

‘’Therefore, I will heed the call of the medical team! Will order it now,’’ dagdag niya.

Mario Casayuran