SAN NARCISO, Quezon-- Nasa 25 kabataan ang sugatan matapos maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep habang binabagtas ang national highway sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon, kaninang tanghali.

Ayon sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, galing sa bayan ng Catanauan, Quezon ang jeep at pabalik na sana sa bayan ng Buenavista nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa barrier ng highway at dumiretso sa mababaw na bangin at bumaliktad sa kinahulugan.

Lulan ng jeep ay ang grupo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang youth organization at Sangguniang Kabataan ng Buenavista at galing umano sa outing sa bayan ng Catanauan.

Nasa 26 na pasahero ang sugatan, tatlo sa kanila ay nagtamo ng bone fracture habang ang iba naman ay minor injury lang.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga sugatan ay dinala sa municipal hospital ng San Narciso at ang iba ay isinugod sa ospital sa Lucena City at Gumaca District Hospital sa Gumaca, Quezon.

Agad naman na nagkaloob ng tulong ang mga opisyal ng LGU-Buenavista sa mga kabataang biktima. 

Danny Estacio