Napasakamay ng awtoridad ang isang miyembro ng notoryus na Lalaine Saligumban Criminal Group na pangunahing sangkot sa holdapan at mga aktibidad sa ilegal na droga sa Pasay, Makati at Manila City, nitong Enero 6.

Kinilala ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Lariz Guevarra y Costillas, alyas Onyok, 29, isang construction worker at nakatira sa Pasay City.

Sa ulat, nakumpiskahan ng improvised handgun ang suspek sa Kamagong St., Brgy. 145, Zone 16, Pasay City, dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad ukol sa umano'y mangyayaring holdapan at transaksiyon ng ilegal na droga sa Brgy. Sto. Niño kaya maagap na pinuntahan ng mga tauhan ng Intelligence Unit ang lugar, dito namataan ang mga suspek na hindi nakasuot ng face mask malinaw na paglabag sa IATF protocols. 

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Hindi pa man nakakalapit ang mga pulis nagtakbuhan sa magkakaibang direksiyon ang mga suspek. Nahuli si Guevarra at narekober mula sa kanya ang baril na kargado ng bala ng caliber .45.

Bukod sa paglabag sa City Ordinance 6129 (No Facemask) sasampahan si Guevarra ng kasong Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act.

Nakakulong ang suspek sa Custodial Facility ng Pasay City. 

“The increasing number of covid cases will not stop us from performing our sworn duties. We will continue to maintain a peaceful community, we will not allow the crime rate to rise in our jurisdiction. With this I would like to congratulate Pasay City Police for their quick response that resulted in the arrest of a notorious suspect,”ani BGen. Macaraeg. 

Bella Gamotea