Ipinatutupad na ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na border control sa Bulacan sa layuning mahinto ang paglaganap ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inihayag ni Bulacan Police acting director Col. Manuel Lukban, Jr., ipinakalat na nila ang 112 pulis sa 24 na quarantine control points (QCPs), 17 sa provincial boundaries na kinabibilangan ngBulacan-Manila, Bulacan-Pampanga, at Bulacan-Nueva Ecija at pito naman sa North Luzon Expressway (NLEX) exit.

Isinagawa ang nasabing paghihigpit bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan kasunod ng ipinaiiral Alert Level 3 sa Metro Manila at iba pang karatig-lugar, kabilang na ang Bulacan, upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases.

Matatagpuan ang mgaQCPs sa Brgy. San Roque Rd., Baliuag, (Candaba, Pampanga Boundary), Brgy. Tilapayong,Baliwag, (Apalit, Pampanga Boundary), Barangay Gatbuca, Calumpit, (Calumpit-Apalit, Pampanga Boundary), Shelterville, Brgy. Loma De Gato, Marilao, (Phase 10, Brgy. Bagong Silang Caloocan City), Brgy. Bagbaguin, Meycauayan, (Road Closed-Valenzuela Boundary), Brgy. Bahay Pare, Meycauayan (Caloocan Boundary), along Mcarthur Highway, Brgy. Bancal, Meycauayan, Brgy. Lawa, Meycauayan, Bulacan (Valenzuela Boundary), Brgy. Catanghalan, Obando, Brgy. Panghulo, Obando, Brgy Bulualto, San Miguel, (Provincial Boundary of San Miguel to Gapan, Nueva Ecija), Brgy. Dagat-Dagatan, San Rafael (San Rafael-Candaba, Pampanga Boundary), Brgy. Pansumaloc, San Rafael (San Rafael-Candaba, Pampanga Boundary), Brgy. Batasan Bata, San Miguel, Bulacan (Provincial Boundary of San Miguel to Candaba, Pampanga), Dela Costa Homes, City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan (Phase 7 Brgy. Bagong Silang, Caloocan City), Evergreen Heights,CSJDM(Phase 10, Brgy Bagong Silang Caloocan City) at Sapang Alat, Brgy. San Miguel,CSJDM(Brgy. Malaria, Caloocan City).

Probinsya

Street sweeper sa Tacloban City, sinaksak dahil sa selos; patay!

Kabilang din sa control points sa North Luzon Expressway (NLEX) ang NLEX northbound exit sa Brgy. Turo, Bocaue; NLEX Philippine Arena, Brgy. Igulot, Bocaue; NLEX northbound sa Brgy. Tambubong, San Rafael; NLEX exit bound sa Brgy. Sta. Rita Guiguinto; NLEX southbound sa Brgy. Patubig, Marilao; NLEX toll exit southbound sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City; at Pulilan Exit, South Bound, Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan.

Pinapayagan lamang pumasok at lumabas sa mga nasabing lugar ang may mga essential needs, serbisyong kailangan ng publiko at iba pangauthorizedpersonnel.

Freddie Velez