Sinadya ni Nancita Mabini ang campaign headquarters ni Vice President Leni Robredo sa Barangay Kasambagan sa Cebu City nitong Huwebes, Enero 6, dala ang isang lata na puno ng mga barya na nagkakahalaga ng P704.50.

Nag-turn over din siya ng P1,000 bill.

Ayon kay Mabini, ang cash donation na kanyang ibinigay ay mula sa pinaghirapang ipon ng kanyang pamilya, na pinili nilang ipadala upang makatulong sa mga relief efforts na isinasagawa ng mga Robredo volunteers sa Cebu City.

Sinabi ni Mabini sa mga volunteer na ang mga barya ay nakolekta ng kanyang kapatid na si Rosaminda habang ang P1,000 bill ay mula sa kanyang kapatid na si Felicitas, na nagpasya na ibigay ang pera para sa mga biktima ng bagyong Odette sa halip na gamitin ito sa pagbili ng kanyang mga gamot.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang serye ng mga larawan ni Mabini na nag-turn over ng cash assistance ay ipinost ng “Leni Robredo for a Better Philippines 2022-Volunteers in Cebu” sa Facebook noong Enero 6.

Pinuri rin ng mga kapwa tagasuporta ni Robredo ang mga kapatid na Mabini sa kanilang kabutihan.

“Thank you so much Lola for your golden heart. Your love of country has not faded even in your twilight years. Salute to you!” komento ni Fiery Lao sa Facebook post.

“God bless you more, Lola! Makakaasa po tayo sa tapat at mahusay na Robredo governance sa May 2022,” sabi ni Clairedelune Gamboa.

Betheena Unite