Nahaharap ngayon sa balag ng alanganin si dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez, misis nito at dalawang anak na lalaki matapos silang sampahan ng kaso kaugnay ng umano'y pamamaslang sa isang 36-anyos na single mother na isa ring negosyante noong Oktubre 2021.
Kasama ng dating alkalde sa kinasuhan ang asawang siSaliha “Sally” Lopez, at dalawang anak na sina Carlos Paul Bermejo Lopez at Felix Paul Bermejo Lopez.
Ang kaso ay isinampa ngIloilo Police Provincial Office (IPPO) saIloilo Provincial Prosecutors Office nitong Miyerkules Enero 5 kaugnay ng pagpatay kay Claire Diergos.
Nitong Biyernes, isinapubliko ng isang local radio station sa lalawigan ang mga pangalan ng pamilya ni Lopez matapos makakuha ng kopya ng demanda sa prosecutors' office.
Ito ay matapos umanong tumanggi ang mga awtoridad, kabilang na si IPPO Director, Col.Gilbert Gorero, na isapubikoang pangalan ng mga akusado kahit naisampa na ang kaso sa piskalya.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Diergos sa loob ng iniwang sasakyan sa Sta. Barbara noong Oktubre 26 ng nakaraang taon. Natuklasan sa imbestigasyon ng pulisya, pinatay ang biktima sa kanyang bahay sa Pavia sa Iloilo at ibiniyahe lamang ang bangkay nito sa Sta. Barbara upang iligaw ang mga imbestigador sa kaso.
May teorya ang pulisya na crime of passion ang ugat ng pamamaslang.
Nauna nang itinanggi ng pamilya Lopez ang krimen.
Tara Yap