Naglabas ng panibagong home quarantine guidelines ang Department of Health (DOH) para sa mga indibidwal na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay upang hindi magsiksikan o mapuno ng pasyente ang mga ospital bunsod na rin ng panibagong pagtaas ng kaso ng hawaan ng sakit sa bansa.
Sa isinagawang pagpupulong sa Malacañang nitong Biyernes, Enero 7, ipinaliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring sumailalim sa home quarantine ang mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 kung mayroon silang sariling kuwarto na may sapat na bentilasyon.
Ang mga nagpopositibong indibdwal ay pangangasiwaan ng mga medical workers habang sila ay naka-home quarantine.
Ikinokonsidera ring close contact ang mga miyembro ng pamilya ng nag-positive sa COVID-19 ay maaari rin siang mag-home quarantine kung sila ay asymptomatic, hindi nabibilang sa tinatawag na vulnerable population, at hindi nakisalamuha sa mga nagpositibo at symptomatic individuals.
Aniya, kailangang sumunod ang mga ito sa minimum public health standards katulad ng tamang pagsusuot ng masks, social distancing, at tamang paghuhugas ng kamay.
PNA