Iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na mas epektibo nitong napagsisilbihan ang masa sa mga kanayunan kaysa sa gobyerno pagdating sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic response.
Sinabi ng tagapagsalita ng CPP na si Marco Valbuena na ang New People's Army (NPA), ang kanilang armed-wing, ay nagtayo ng mga health committee sa mga nayon, nagsagawa ng mga information drive at mga tutorial classes para sa mga bata, tumulong sa pagtatanim at pag-aani, at muling itinayo ang mga tahanan at sakahan sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
“In rural villages, NPA beats Duterte / AFP [Armed Forces of the Philippines] in assisting people since pandemic,” sabi ni Valbuena nitong Biyernes, Enero 7.
Ang militar ay aktibong kasangkot sa maraming hakbang upang labanan ang pandemya ng COVID-19.
Ang mga sundalo ay inatasan na tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa pamamahala ng mga quarantine checkpoint at isolation facility, habang ang mga may medican background ay idineploy sa frontlines upang tumulong sa pambansang programa ng pagbabakuna.
Ang mga tauhan at sasakyan ng militar at pulisya ay naging instrumento rin sa paghahatid ng iba't ibang kagamitang medikal, materyal, at tauhan saanman sa bansa sa nakalipas na dalawang taon.
Ngunit iginiit ni Valbuena na ang AFP at PNP lamang ang kilala ng masa bilang mga “pasista” at “mga tulisan.”
Ito ang pahayag ni Valbuena matapos pasalamatan ni Pangulong Duterte ang komunistang grupo sa "hindi pagiging obstructionist" sa pandemya na tugon ng gobyerno.
Hinikayat din niya ang mga rebeldeng komunista na may medikal na kaalaman na bumaba ng kabundukan at lumahok sa government response ng gobyerno. Nangako siyang babayaran at pakainin sila sa Palasyo ng Malacanang, at hahayaan silang bumalik sa kabundukan upang ipagpatuloy ang kanilang armadong pakikibaka kapag natapos na ang pandemya.
Dagdag pa nito, binalaan niya ang mga NPA na huwag mangikil ng pera mula sa P5,000 na tulong pinansyal ng gobyerno sa mga biktima ng nagdaang bagyong “Odette” sa Visayas at Mindanao.
“Napakaga** naman ninyo. That’s stupid. Eh tulong ‘yan sa kapwa tao. Maghingi lang kayo, maski P500 okay na ‘yan. Huwag niyong kunin lahat ng pera ng tao,” sabi ni Duterte.
Martin Sadongdong