Umakyat sa 21,819 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Enero 7.
Huling nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 20,000 na kaso ng sakit ay noong Setyembre 26, 2021 na kung saan naiulat ang 20,755 na kaso.
Umabot naman sa 77,369 ang aktibong kaso. Sa aktibong kaso, 70,321 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,837 ang moderate condition, 1,461 ang severe, 312 ang kritikal, at 2,438 ang asymptomatic.
Nasa 2,910,664 ang kabuuang bilang ng kaso simula nang magkapandemya.
Samantala, 973 naman ang gumaling sa sakit sanhi upang umabot sa 2,781,424 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Nasa 51,871 ang death count matapos maitala ang 129 na namatay sa sakit.Analou de Vera