Sa tweet ng social media personality na si Inka Magnaye, may ipinagpasalamat pa rin ito kahit nagkaroon ito ng COVID-19.

Nagpapasalamat siya na hindi na siya smoker ngayong tinamaan siya ng sakit na COVID dahil aniya, hindi niya mailalarawan ang hirap kung hindi siya tumigil sa paninigarilyo o paggamit ng vape.

"Now that I have COVID, I’m just SO THANKFUL I’m not a smoker anymore. I can’t imagine how much harder this would be for me if I still smoked/vaped like I used to," ani Magnaye.

Dagdag pa niya, "If you haven’t quit yet, please think about how you’re living through a pandemic that attacks the lungs."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinikayat rin niya ang ibang tao na tumigil na sa paninigarilyo. Aniya, "If you don’t quit, you die."

Samantala, pinaalalahanan niya rin ang publiko na agarang mag-self-quarantine o isolate kung sakaling nakakaramdam ng mga sintomas.

"If you feel any sort of symptom, isolate immediately. If you are willfully ignorant about your symptoms in the middle of a pandemic, then you are part of the problem," pagpapaalala ni Magnaye.

Sa tala ng Department of Health ngayong araw, Enero 6, pumalo sa 17,220 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na kung saan ay may 81 death cases at 616 recoveries.

Kaugnay dito, umakyat na rin sa 36.9% ang positivity rate, ngunit 11 testing laboratories pa ang hindi pa nakakapag-pasa ng kanilang datos.