Sa isang Twitter post kamakailan, sinita ng aktres na si Agot Isidro ang pamunuan ng TV 5 matapos umano’y gamitin siya nito upang maging target para sa kanilang online engagement sa Instagram.

Sa larawang tampok ang kanyang bare face sa isang Instagram post ng TV 5 Manila, umani umano ito ng sari-saring komento mula sa kanyang bashers. Dahil dito, naglatag ng tatlong mensahe ang aktres para sa kanila:

Larawan mula Instagram ni Agot Isidro

“Sana ‘di kayo tumanda.”

Ogie Diaz sa kakanalan ni Sassa Gurl: 'Awat na!'

“Sana mas maayos ang ichura nyo dito pag 55 na kayo.”

“Ang pambabatikos ko ay para sa inyong kapakanan.”

Pumalag din si Agot sa pamunuan ng TV 5 kasunod ng larawang ni-repost nito.

“To @tv5manila, would appreciate if you do not make me a target for your socmed ‘engagement.’ Thank you!” ani Agot.

Ang naturang larawan ay unang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram sa pagbubukas ng 2022.

"Signature look for 2022. “Happy” ☺️ What’s yours?" caption ng aktres.