Bakunado na laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pitong prison facilities sa bansa. 

Sa pahayag ng BuCor nitong Biyernes, Enero 7, 1622 ang fully vaccinated habang 36 naman ang nakatanggap ng kanilang first dose. 

Ang nabakunahan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ay 37 personnel; Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, 138; Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, 213; San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, 280; Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan, 257; Leyte Regional Prison (LRP), 205; at Davao Prison and Penal Farm (DPPF), 528.

Samantala, umabot na sa 25,238 na persons deprived of liberty (PDLs) ang fully vaccinated habang 20,817 naman ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon