Dinagsa ng mga delivery riders ang ikinasang ‘special drive-thru vaccination’ ng pamahalaang lungsod ng Maynila nitong Huwebes sa Kartilya ng Katipunan sa Ermita, Manila, upang makapagpaturok na ng booster shots laban sa COVID-19.

Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso/FB

Nabatid na daan-daang delivery riders ng Grab, Angkas, Lalamove, Mr. Speedy, FoodPanda, Shopee, at iba pang delivery service companies, ang nagtungo sa Kartilya ng Katipunan, sa tabi ng Manila City Hall, para makapagpaturok ng COVID-19 booster shots.

National

Research vessels ng BFAR, binomba ng tubig at ginitgit ng Chinese Coast Guard

Mismong sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna naman ang nanguna sa naturang aktibidad.

Kabilang pa si Lacuna sa mga health workers na nagturok ng bakuna sa mga delivery riders.

Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso/FB

“We created a system na para lang sila naghatid ng delivery. So makakabyahe na sila ulit, makakapag-hanapbuhay na sila,” ayon kay Moreno.

“We wanted to protect them at the same time to protect yung kanilang mga customer. So mas maigi nang maproteksyunan sila, makapag-hanapbuhay sila, panatag sila gayundin ang kanilang mga customer,” dagdag pa ng alkalde.

Nabatid na ang naturang special drive-thru vaccination para sa delivery riders ay nagsimula ganap na alas-8:00 ng umaga na nagtapos alas 5:00 ng hapon ng Huwebes.

Sinabi naman ni Dr. Poks Pangan, head ng Manila Health Department, na walang pinipili ang libreng booster shots, kahit saan pa nagmula ang mga riders.

“Siguro po sa sampung rider, mga anim, pito, dun hindi po taga-Maynila. Meron po tayong mga taga-Taguig, Marikina, dun po sa karatig na siyudad dito sa Metro Manila,” ani Pangan.

“Para lang silang naghatid ng ano, ng delivery. O, paghatid nila, punta dito, bakuna. Actually, 'pag tiningnan mo yung time and motion, 2 minutes, tapos na. So makakabiyahe na sila uli, makakapag-hanapbuhay na sila ulit,” ayon naman kay Moreno.

Nauna rito, nagbigay na rin ng libreng booster shots ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Divisoria market workers nitong Miyerkules ng gabi at nasa 754 booster shots ang naiturok sa mga tindero, drivers, kargador, at pahinante sa lugar.

Mary Ann Santiago