Nakahandang imbestigahan ng Senado ang sigalot sa pagitan ni Olympian pole vaulter EJ Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) upang matukoy kung kailangan magkaroon ng maayos na alituntunin sa paghawak ng pondo ng mga atleta.

Hindi maitagao ni Senador Christopher Lawrence Go, chairman ngSenate Committee on Sports, ang kanyang pagkadismaya sa isyu dahilsa halip aniya na suportahan si Obiena, mistula pa itong iniipit ng grupo ni PATAFA President Philip Ella Juico.

“I am disappointed that these issues are taking the attention awayfrom the support and praise that should be given to world-class andpromising pole vaulter EJ Obiena. As the country’s pride, he has the weight of a whole nation on hisshoulders. The least we can do is unburden him with these issues,” sabi pa nito.

Pinayuhan naman ni Senate President Vicente Sotto si Obiena na ituonang pansin sa kanyang mga ensayo at hayaan muna ang isyu habangsinabihan naman nito ang PATAFA na pwede naman nilang naayos anggusot na hindi inihayag sa media.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauunawaan aniya nito ang buhay ng atleta, dahil minsan na rin siyangkumatawan sa bansa sa mgainternasyunal na torneo sa larong bowlingat napakahirap ding mahiwalay sa pamilya.

Nag-ugat ang usapin dahil sa alegasyon ni Juico na hindi binabayaran ni Obiena ang Ukraniancoach nito na si Vitaly Petrov atpagsusumite nito ng umano'y palsipikadong liquidation papers sa PATAFA kamakailan.

Leonel Abasola