Pumalag si Bise Presidente Leni Robredo sa isa sa mga nag-comment sa kanyang Facebook live na sinasabing mali ang computation niya sa kung magkano nga ba ang kino-konsumo ng mga Pilipino sa pagkain ng bigas.
"Si Quizon Ren, nako naniniwala 'to sa fake news ayan, 40 times 4, Ma'am is 1,600. Nako Quizon Ren, naniniwala ka sa fake news, spliced po 'yung videong 'yon. Forty times four times 10 is equal to 1,600," pagpapaliwanag ni Robredo.
Basahin: VP Leni Robredo, papalag na sa mga fake news
Online, ginagamit ng mga hindi taga-suporta ni Robredo ang video na kung saan eksaktong sinabi niya ang linyang "40 times four" upang ibato kay Robredo.
Ngunit sa spliced video na iyon, kulang ang konteksto nito na kung saan ay nauna na niyang ipinaliwanag na 10 kilos ang tinatayang kino-konsumo ng isang pamilyang Pilipino kada linggo.
"Ang estimate nila, 10 kilos per week per Filipino family. So kung 10 pesos per week, 10 kilos I mean, per week per Filipino family ano na 'yon? 'Di ba 40, 40 a week na kaagad. Sa isang buwan 40 times four edi 1,600, bigas pa lang 'yon," ani Robredo noong Hulyo 10 sa isang media briefing.
Basahin: VP Leni, pumalag sa fake news
Matatandaan na nakaraang taon, sinimulan ni Robredo ang pagla-live sa Facebook upang magbigay ng detalye sa ginagawa ng kanilang opisina.