Hindi na muna tatanggap ng pasyenteng may severe at critical COVID-19 conditions ang Pasay City General Hospital, ayon sa abiso ng pamunuan ng ospital dakong 8:20 ng gabi ng Miyerkules, Enero 5.
"We are already full capacity for our COVID-19 confirmed ICU beds, ward beds, ER isolation rooms and ER anteroom.
We wish to inform the public that we cannot accept anymore admissions for severe and critical covid patients," ayon sa PCGH.
Bukod dito, nagdeklara rin ang ospital ng stop admission para sa non-COVID cases dahil sa kakulangan ng mga tauhan.
Aabot sa kabuuang 44 na healthcare workers (HCWs) ng nasabing pagamutan, karamihan sa mga nurse at ancillary personnel ay nahawa na rin.
Gayunman, tanging ang may extreme emergency/life threatening surgical procedures ang tatanggapin.
Ang outpatient department (OPD) ay magsasagawa lamang ng Telemedicine operations, ayon sa PCGH.
Walang isasagawang bakunahan o vaccination para sa susunod na 10-araw.
"Please bear with us as this situation is beyond our control but rest assured that the present admitted patients will be managed well with the existing manpower."Tiniyak pa ng PCGH management na babalik ang normal na operasyon kapag nakarekober o gumaling na ang kanilang HCWs.
Bella Gamotea