Sinimulan ng Muntinlupa City government ang pamamahagi ng P20 million financial assistance sa local government units (LGUs) na nasalanta ng bagyong 'Odette' noong Disyembre.

Pinirmahan at ipinasa ni Mayor Jaime Fresnedi at miyembro ng City Council ang City Ordinance No. 2021-303 noong Disyembre na naglalaan ng P20 million financial assistance sa 38 na LGUs na naapektuhan ng bagyo.

Kinuha ang naturang assistance mula sa Quick Response Fund ng Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) ng Muntinlupa City government.

Ang mga kinatawan ng Muntinlupa City government ang nag-turn over ng pondo sa mga LGU kabilang sina Rose Geli, Atty. Nemei Santiago, Cynthia Viacrusis, Atty. Harley Padolina, Lorna Misa, at Randy Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga LGU na nakatanggap ng P500,000 mula sa Muntinlupa City ay ang Argao, Dalaguete, Dumanjug and Tuburan sa Cebu; city government ng Bais, Negros Oriental; city government ng Kabankalan, Negros Occidental; munisipalidad ng Manjuyod, Negros Oriental; munisipalidad ng Ilog, Negros Occidental; city government ng Himamaylan, Negros Occidental; at munisipalidad ng Socorro, Surigao del Norte.

Sa ilalim ng ordinansa, makatatanggap ng P1 milyon ang Dinagat Islands at Siargao sa Surigao del Norte. Ang natitirang 36 LGU beneficiaries ay makatatanggap ng P500,000 na tinukoy ng Muntinlupa City government at Office of the Vice President (OVP).

Ang 10 LGU beneficiaries na pinili ng Muntinlupa City government ay Maasin, Leyte; Buenavista, Bohol; Dumanjug at Catmon sa Cebu; Bais, Himamaylan and Kabankalan sa Negros Oriental; and Dumaran, Roxas and San Vicente sa Palawan.

Ang iba pang LGU na tinukoy ng OVP ay Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, Pilar, San Benito, San Isidro, Santa Monica at Socorro sa Surigao Del Norte; Basilisa (Rizal), Cagdianao, Dinagat, Libjo (Albor), Loreto, San Jose and Tubajon sa Dinagat; Javier and Baybay sa Leyte; Balilihan and Tubigon sa Bohol; Dalaguete, Tuburan and Argao sa Cebu; and Manjuyod, Hinobaan and Ilog sa Negros Oriental.