Kasunod ng umano'y kakapusan ng mga gamot sa trangkaso sa ilang botika sa Quezon City, kaagad na binalaan ni City Mayor Joy Belmonte nitong Miyerkules, Enero 5, ang mga nag-iimbak nito na nagsasamantala sa sitwasyon.

“We will not hesitate to prosecute anybody found hoarding and profiteering these medicines. They are preventing citizens na gusto lang bumili ng gamot para sa kanilang pamilya. We won’t let them get away with this,” anangalkalde.

Nitong Martes, inanunsyo ngDepartment of Health (DOH) na walang nangyayaring kakakulangan ng nasabing mga gamot sa kabila ng dagsang namimili nito.

Tiniyak naman ni QC legal officer,Niño Casimiro, mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7581 (Price Act) at Republic Act 7394 (ConsumerAct) ang sinumang indibidwal na nag-iimbak at nagtatago ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900<b>—Red Cross</b>

Aaron Dioquino