Unti-unti nang bumabangon nang nakangiti ang actor-chef-businessman na si Marvin Agustin matapos makatanggap ng sandamakmak na kritisismo mula sa kaniyang mga customers na bumili ng cochinillo sa kaniya noong bisperas ng Pasko, na naibalita sa Balita Online.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/27/cochinillo-ni-marvin-agustin-inireklamo-ng-mga-customers-i-will-learn-from-this/

Kabilang pa sa mga nagsabing hindi sila nasarapan sa cochinillo ay ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz at ang direktor na si Darryl Yap. Humingi na rin ng dispensa si Ogie sa kaniyang mga nasabi, gayundin sa payo niyang i-refund na lang ng aktor ang bayad ng mga customer na na-bad trip sa kanilang serbisyo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/02/ogie-kumambyo-humingi-ng-dispensa-sa-opinyon-hinggil-sa-cochinillo-ni-marvinp>

Sa pagdiriwang ng Bagong Taon ay muling tumanggap ng orders si Marvin at nangakong mas pagbubutihin na nila ang kanilang serbisyo sa kanilang mga customers. Nagkaroon lamang daw ng problema sa delivery ng mga ito at hindi na rin sila tatanggap ng maraming mga orders.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/02/lavarn-marvin-tuloy-ang-negosyo-tumanggap-ng-orders-para-sa-bagong-taon/

Kasabay nito, ipinaliwanag din niya na maaaring nag-ugat ang mga complaints sa delivery ng kanilang produkto, lalo na sa mga malalayo pa ang lokasyon.

Pagkatapos niyon ay aktibo na ulit si Marvin sa Instagram. Nag-post na siya ng kaniyang paalala sa tumataas na kaso ng COVID-19 kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.

"Mag-ingat lahat (praying hands emoticon). Manatili sa bahay hangga't kaya. 2 weeks daw itong surge na 'to. Mask up all the time! Kaya natin to!"

Nitong Enero 6 naman ay itinampok niya ang kaniyang 'Ba-YUMMYhan time' na mapapanood sa kaniyang YouTube channel. Dito ay sinabi niya na anoman ang mga pinagdaanan niya ay patuloy siyang lumalaban. Nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanila.

"This is one of the first episodes I shot with my kids to help and support my co-SME operators struggling and trying to survive this pandemic," ayon sa caption ni Marvin.

"Madami man pinagdadaan, patuloy na lumalaban. At malaki ang utang na loob namin sa lahat ng naniniwala at sumusuporta sa amin."

"Salamat @biryanibros sa inspirasyon ibinibigay mo sa aming mga SME players. Mabuhay ka! Tumulong sa kahit na anong paraan. Masarap magtulungan. For more baYUMMYhan videos, please check my YouTube channel."

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Sa isa pang Instagram post, makikita ang video ng isang bata na nagte-testify na crunchy at masarap ang nabili nilang cochinillo sa 'Secret Kitchen' ni Marvin.

"'Crunchy Cochi Of Secret Kitchen Tastes so good - @naytjohn17,'" nakasaad sa caption at pasasalamat niya sa kaniyang customer.

"Thank you! @naytjohn17 for this. Stay Safe Everyone!"

May dalawa pa siyang customers na umorder ng cochinillo na nakatira sa Alabang West Parade (Daang Hari) at Quezon City.

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Masasabing hindi nagpaapekto nang tuluyan si Marvin at nagsilbing aral sa kaniya ang naganap na isyu sa kaniyang paninda. Sabi nga, patuloy lang ang buhay!