Hinikayat ng kilalang voice over talent na si Inka Magnaye ang kababaihan na gumamit ng 'menstrual cup' at tiyak daw na magkakaroon ng benepisyo sa mga nakararanas ng buwanang dalaw.
Ibinahagi kasi ni Inka sa kaniyang Facebook page na gumagamit siya ng menstrual cup, nitong Enero 4, 2022, at marami sa mga babaeng netizen ang na-curious tungkol dito. Sanay kasi ang halos karamihan sa mga babae na gumagamit ng sanitary napkin kapag 'nagkakaroon.'
"Going to talk period stuff so if it’s not your thing, this is your heads up! Side note, periods are biological and normal, and it’s absolutely okay to talk about it," panimula ni Inka.
Isa umano sa mga 'best decisions' na nagawa niya ang paggamit ng menstrual cup---kapag gamit nga raw niya ito, minsan ay nakakalimutan niyang may period siya dahil sa comfort na dulot nito.
"Switching to a cup has been one of the best decisions I’ve ever made, been a cup user for over 4 years, maybe nearing 5, and honestly I even forget that I’m on my period. It is intimidating in the beginning, and there is a learning curve, but it’s all worth it in the end."
"I wish everyone could make the switch, but unfortunately, not everyone can accommodate a cup apparently. But, there’s only one way to find out if you can use it—give it a try!" aniya, at ibinahagi niya ang isang FB page na nagpapaliwanag nito.
Nagulat umano si Inka na marami ang na-curious sa paggamit ng menstrual cup, kaya napagtanto raw niya na kailangan talagang magkaroon ng reproductive health education.
"I posted about being a menstrual cup user on my fb page, and surprisingly so many women asked if it will block their pee from coming out!," saad ni Inka sa kaniyang Twitter account.
"The need for proper reproductive health education here is astounding!!"
"I’m so happy they felt safe enough on my page to ask questions!!"
Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon sa kaniya.
"Our educational system is pathetic. The young girls should already know that pee and menstruation don't come out from the same exit, way before they reach 11 years old!" ayon sa isa.
"Medyo too much po ang pathetic. Kultura din po ang kalaban, hindi lang ang educ. system. Paanong ituturo ng teachers e di nga nila masabi ang puke, suso at titi," sansala naman ng isa.
"They don't have to mention them if they're uncomfortable. Can stick to English. Issue is how they teach anatomy. Meron naman guide or syllabus ang teachers 'di ba? May training. Why aren't these details there? So don't look at the teachers, but doon sa mga nasa DEPED," pagtatanggol naman ng isa.
Ano nga ba ang menstrual cup at ano-anong mga benepisyo ang matatamo ng mga babaeng may menstrual period sa paggamit nito?
Ayon sa isang Science teacher na si Roselyn Desalon taga-Bulacan, at gumagamit ng menstrual cup, inirerekomenda niya ang paggamit ng menstrual cup dahil sa comfort ng paggamit nito. Una raw niyang natuklasan ang tungkol dito at lakas-loob na gamitin ito noong 2020.
"Sa Tiktok ko talaga siya unang napanood last summer ng 2020 kaso hesitant pa ako… pero dahil nga Science teacher ako and eco warrior, nag-research ako sa benefits ng menstrual cup," pahayag ni Roselyn sa panayam ng Balita Online.
"Upon researching wala pa palang nagbebenta sa mga physical stores dito sa Philippines ng cup kaya nag-try ako sa Shopee. Hayun, madami ngang available and I took the courage to to buy it. Nag-order ako online ng December 2020 tapos dumating ito early ng January 2021. Sakto, kasi 'di pa ako nagkakaroon ng January, mata-try ko siya kaagad."
Ano naman ang naging karanasan niya sa unang paggamit nito?
"1st experience… nahirapan ako kasi nga virgin, pero sa kakanood ko ng mga YouTube tutorials kung paano gamitin, after 3 months nasanay na ako and nadalian na ako," aniya.
"Sobrang life changing nito kasi parang wala ako talagang discomfort na nararamdaman kapag suot ko siya."
Kaya naman bilang menstrual cup user at Science teacher ay inisa-isa ni Roselyn ang iba't ibang benepisyo ng paggamit nito. Ito raw ay environmental-friendly, cost-friendly, pangmatagalan, nakakadagdag ng tiwala sa sarili at seguridad na hindi matatagusan, at mas madaling gumalaw lalo na sa mga pisikal na gawain gaya ng paglalakad, pagbibisikleta, o pagji-gym.
"ENVIRONMENTAL-FRIENDLY and SAFE ITO since medical grade silicone material ito gawa safe ipasok sa vagina and reusable ito from 2-5years or even 10years depende sa description ng brands ng menstrual cup."
"COST-FRIENDLY yes mahal ito P500-2000 yung presyo depende sa brand pero kung iko-compute ko yung napkins na magagamit ko every month for 5-10 years sobrang makakatipid talaga."
"Another is PANG HEAVY DUTY tumatagal ito ng 8-12 hrs bago ito mapuno unlike ng napkin na every 4hrs need ko magpalit."
"Isa pa.. yung CONFIDENCE at SECURITY na nabibigay niya sa akin.. kasi simula ng gumamit ako at namaster ko na yung maayos na pagpasok ng menstrual cup, NEVER NA AKONG NATAGUSAN #leakproof."
"Dahil nga leak proof ito… Super safe gamitin kahit na may active lifestyle like, kahit nagji-gym, sa swimming, hiking, biking, etc."
"All in all: IT REALLY CHANGED MY LIFE," bida pa ni Roselyn.
Kaya naman, kagaya ni Inka, hinihikayat din niya ang kababaihan na gumamit na ng menstrual cup, may asawa man, may partner, o wala.
"And I also encourage every woman to try it, kasi really life changing siya."
"For those na naghe-hesitate lalo na katulad ko na virgin pa, nothing to worry.. first of all 'virginity is just a social construct'… yes medyo mahirap sa una pero makakasanayan din and later on magiging comfortable na din siya feeling."
"I also suggest na magbasa din ng mga articles/reviews at manood ng mga tutorials about menstrual cups. Based on my experience lahat ng napanood at nabasa ako tungkol sa menstrual cups ay puro positive feedback of their experiences."
Si Roselyn Desalon ay nagtuturo sa isang pribadong paaralan sa Quezon City.