Nangunguna ang Quezon City sa nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila.

Kinumpirma ito ng OCTA Research Group nang maitala nila ang 1,781 na kaso nitong Miyerkules, Enero 5, mas mataas kumpara sa 1,407 na kasong naitala naman ng Manila City na sinundan naman ng Makati sa kaso nito na 605.

Ang Quezon City ay pinakamalaking lungsod sa National Capital Region (NCR). Paliwanag ng OCTA Research, nasa 45 porsyento na ngayon ang daily positivity rate ng sakit sa NCR.

“This projects to 15,000 to 16,000 new Covid-19 cases in the Philippines on January 6, with 10,000 to 11,000 new cases in the NCR.  This would eclipse the previous high in the NCR of 9,031 on September 11, 2021. And the surge has not peaked yet. The country is expected to exceed 20,000 new cases by January 7,” paglilinaw pa ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter post nitong Huwebes, Enero 6.

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Nilinaw naman ni QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) chief Rolly Cruz, dumadagsa na ngayon ang mga nagpapa-swab test. 

“We observed a rapid increase in the number of people who want to get tested, mostly from those who experience symptoms such as colds and coughs, which is also common during this season,” aniya. 

Bukod aniya sa libreng swab tests na alok ng city government, naiulat din aniya ng mga pribadong laboratoryo ang paglobo ng mga humihiling para sa sumailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests.

Karamihan aniya sa nagpapasuri ay nakararanas ng sintomas ng tinatrangkaso o nakasalamuha ang mga kumpirmadong nagpositibo sa sakit sa nakaraang Kapaskuhan. 

“We advise QCitizens who are experiencing flu-like symptoms such as colds, runny nose, cough or fever, to isolate themselves from their family members immediately,” sabi pa ni Cruz. 

PNA