Sinabi ni opposition Senator Leila de Lima nitong Huwebes na ang pagtanggi umano ni Pangulong Duterte na humingi ng tawad sa mga drug war victims ay hindi umano nakagugulat dahil ipinakikita sa kasaysayan na ang mga tyrant at mass murderers ay hindi kailanman humingi ng tawad sa kanilang mga nagawang krimen.

Kaya't sinabi ni De Lima na ang kasaysayan laang ang hahatol kay Duterte sa kanyang mga krimen laban sa sangkatauhan, na pagbabayaran niya umano sa takdang panahon.

“The gavel shall fall, and not even his refusal to own up to his atrocities can cushion the blow of the ramifications of his cruelty. Evil does not reign forever. Soon, justice catches up,” ani De Lima.

“History’s most notorious tyrants and mass murderers never apologized for their crimes either. Not Hitler. Not Stalin. Not Saddam. Not one of them ever did. Truth requires no apology. Their crimes were never erased and neither will yours,” ayon pa sa senadora.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kanyang huling "Talk to the People" address, sinabi ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad sa pagkamatay ng mga pinaghihinalaang drug offenders na napatay sa mga police operation sa ilalim ng kanyang war on drugs.

“Pero ‘yan ang sabi ko: I will never, never apologize for the death of those bastards. Patayin mo ako, kulungin mo ako, (cursing) I will never apologize,” aniya/

Sa isang tweet, sinabi ni De Lima, “devil does not apologize. If he ever does, it is never sincere and never without an ulterior motive.”