Binigyang-pugay ni 'Parokya ni Edgar' lead vocalist Chito Miranda ang kaniyang mga kabanda na aniya ay napakatalentado at mahuhusay.

Ayon sa kaniyang Instagram post nitong Enero 3, sinusbukan umano niyang i-soundtrip ang bagong album nila noong bisperas ng Bagong Taon habang nasa tapat ng isang bonfire. Napagtanto raw niya na tunay na kamangha-mangha ang talento ng kaniyang mga kasama sa banda. Kalakip pa nito ang throwback photo nila.

Screengrab mula sa IG/Chito Miranda

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Sinoundtrip ko ulit yung bagong album namin nung bisperas ng bagong taon, habang nakatambay sa tapat ng bonfire," ani Chito.

Bukod sa mga kabanda ay pinapurihan din ni Chito ang mga artists at sound engineers na nasa likod ng kanilang album.

"Sobrang amazed na amazed ako sa talent and skill ng mga kabanda ko, at ng mga artists and engineers that were involved in creating the album, at sobrang thankful ako kasi I got (and get) to work with them."

"Bawat song, I'd point out to Neri kung gaano kagaling yung kabanda ko, or yung katrabaho namin na artist, arranger, or engineer on that track, and explain to her kung paano at gaano nila pinaganda yung kanta."

Tanong raw ng misis niyang si Neri, bakit hindi raw binibigyan ng credit ni Chito ang kaniyang sarili?

"Sa kalagitnaan sa album, Neri asked me, 'Eh ikaw? Hindi mo ba bibigyan ng credit ang sarili mo? Hindi ka ba magaling?'"

Sagot ni Chito, "Napa-isip ako… sabi ko "Alam ko naman na magaling ako (sabay tawa nang slight) pero 'di talaga dumaan sa utak ko at all na may kinalaman ako sa kagandahan ng mga kanta." (kahit ako pa yung sumulat hahaha.)."

"Hindi ako nagpapaka-humble ha? Hindi ko lang talaga na-isip."

At ipinagmalaki ni Chito na kaya raw tumagal ang Parokya ni Edgar ay dahil marunong daw silang magbigayan.

"Kaya rin siguro tumagal ang Parokya eh. Kasi we rely on, and appreciate the people we work with, and credit them when we come up with something that we like and enjoy…more so than ourselves."

"We always think that it's somebody else's 'fault' why maganda ang isang kanta… instead of saying na 'kasalanan ko kung bakit maganda yan.'"

Dahil dito, hindi raw sumagi sa isip ni Chito na maging soloista o solo artist. Ibig sabihin, ganap niyang iiwanan ang Parokya.

"Kaya hindi talaga ako pwede mag-solo eh. Maliban sa fact na ayoko mag-isa at mas masaya talaga pag sama-sama, tumatak na sa ulo ko na hindi ko kaya gumawa ng magandang kanta na wala yung mga kabanda ko, at yung mga katrabaho namin."

"Again, hindi ako nagpapaka-humble ha!"

"Aware lang ako na mas maganda yung kalalabasan ng mga ginagawa kong kanta sa tulong ng mga kabanda ko, at mga taong nakapaligid sa amin… and I acknowledge the fact that I am blessed to be working with talented people like them."

Tinapos ni Chito ang kaniyang IG post sa pamamagitan ng pagbati ng 'Happy New Year' sa lahat, at pag-anyaya sa mga netizen na pakinggan ang kanilang bagong album.

Nagsimula ang pamamayagpag ng Parokya ni Edgar noong 1993. Kilala ang banda sa kanilang original rock novelty songs at satirical covers ng mga sikat na awiting lokal at internasyunal. Wala ni isa mang miyembro ng banda na nagngangalang 'Edgar'.

Ito rin ang tinawag na 'Pambansang Banda ng Pilipinas.'