Naitala ng Department of Health (DOH) ang 29 na karagdagang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Sa ulat ng DOH, ang mga bagong kaso ng Omicron variant ay nadetect mula sa 48 positive samples na isinailalim sa whole genome sequencing noong Enero 2.

“The 29 Omicron variant cases are composed of 10 ROFs (returning overseas Filipinos) and 19 local cases with indicated addresses in the National Capital Region,” pahayag ng DOH ngayong Huwebes, Enero 6.

Samantala, umabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng Omicron variant sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Analou de Vera