Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang₱5,000special risk allowance (SRA) para sa mga medical frontliners sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang naging hakbang ng Pangulo matapos manawagan sa mga medicalinterns at nurses na nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral at naghihintay na lamang ng board exam na tumulong sa bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“This time I would call on my countrymen, the young doctors and nurses waiting for the results of their exams, if you want to help, I can give you the allowance,” sabi nito sa kanyang pagsalang sa "Talk to the People” public briefing.

”I think that the P5,000 is masyadong maliit considering the attendance, danger to the guys. They should be given more. You take into the account the possibility of danger na they themselves will get because of the—they have to go near, they have to treat those people,” pagpapaliwanag nito.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Wala rin aniyang problema sa pera dahil "madiskarte" umano si Secretary Carlos Dominguez III.

Maaari rin aniyang umutang ang gobyerno sa World Bank upang mabayaran ang mgamedical volunteers.

“Ubusin natin ang pera nitong gobyernong ‘to para sa nyo,” sabi pa nito sa mga frontliners.

Raymund Antonio