Maglalaan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng ₱1 bilyon para sa ayuda ng mga manggagawang masisibak dulot ng implementasyon ng mas mahigpit na Alert Level 3 dulot ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, inihahanda na nila ang pondo para sa financial aid sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
"In extreme cases that would warrant financial assistance under CAMP, DOLE will be allocating₱1 billion for the workers," pagdadahilan nito sa isang press briefing.
Paglilinaw ng opisyal, ang CAMP ay one-time₱5,000 financial assistance sa mga maaapektuhangmanggagawa sa pribadong sektor.
Tinatayang aabot sa 100,000 hanggang 200,000 na manggagawa ang inaasahang maaapektuhan ng Alert Level 3 na sinimulang ipatupad mula Enero 3-15.
Bukod aniya sa Metro Manila, kasama rin saklaw ng nasabing alert level ang karatig lalawigan ngRizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.
PNA