Binuking ni Carlos Laurel, pinsan ng aktres na si Denise Laurel at isa sa mga attendee ng pagdiriwang, na hindi imbitado si Gwyneth Chua o 'Poblacion girl' sa handaaang pinuntahan nito matapos umano tumakas sa mandatory quarantine.
Ayon kay Laurel, alam nitong positibo si Chua sa COVID-19 apat na araw mula nang lumabas ang resulta nito noong Disyembre 27 ngunit lingid sa kaalaman nito na tumakas ito sa mandatory quarantine.
Basahin: Bakit nga ba galit ang netizens kay ‘Gwyneth Chua?’
"Gwyneth is the girlfriend of a friend of my younger cousins who passed by at the end of dinner, Gwyneth was NOT invited to dinner by me or my relatives," ani Laurel.
Dagdag pa niya, hindi niya umano kinukunsinti at pinapalampas ang ganitong uri ng pagsuway sa mga polisiya.
Aniya, "I do not condone breaching of quarantine protocols, I am fully compliant and in contact with the CIDG and their current investigation on the incident."
Basahin: ‘Poblacion girl’ na pumuslit sa isang hotel kahit COVID-19 positive, pananagutin ng gov’t
Pinayuhan umano si Laurel ng awtoridad na huwag nang mag-komento sa isyu at antayin na lamang na matapos ang imbestigasyon.
Sa kanyang opisyal na pahayag sa kanyang Facebook page, negatibo ang resulta ng kanyang RT-PCR test, na isinagawa pitong araw mula sa kanyang "exposure date."
Nagpasalamat naman siya sa mga sumuporta at nagpahayag ng tulong sa kanya.