Isinara pansamantala ang tanggapan ni PaterosMayor Miguel “Ike” Ponce III nitong Martes, Enero 4, matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang empleyado nito.
“Dahil po ilan sa mga empleyado ng tanggapan ng Punong Bayan ay nagpositibo sa COVID-19 virus ngayong araw na ito, ang nasabing tanggapan ay pansamantalang isasara simula bukas, Enero 5, 2022, upang obserbahan at dumaan sa RT PCR (swab test) ang lahat ng nagtatrabaho dito at upang isailalim ang tanggapan sa disinfection,"pahayag ng alkalde.
Binanggit nito na ang lahat ng transaksyon sa tanggapan ng alkalde ay isasagawamuna sa Office of the Municipal Administrator.
Nitong Enero 4, nakapagtala ang Pateros ng pito pang karagdagang kaso ng COVID-19 kaya umakyat na sa 63 ang kabuuang bilang ng active cases, o nakitaan ng pagtaas ng 66 porsyento mula nang maitala ang 238 aktibong kaso nitong Disyembre 31.
Jonathan Hicap