Bukod sa pagmumulta, binawi pa ng Department of Tourism (DOT) ang permit ng Berjaya Makati Hotel matapos tumakas ang naka-quarantine na si Gwyneth Anne Chua upang makipag-party sa kalapit na bar sa lungsod bago matuklasang positibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kamakailan.

Sinabi ng DOT, ang multa ay katumbas ng dalawang araw na rack rate ng pinakamagastos na kuwarto ng hotel dahil na rin sa pagkabigo nitong hadlangan si Chua sa paglabag nito sa quarantine rules.

Nauna nang naglabas ng show cause order ang DOT laban sa hotel nang mabunyag ang pagdalo ni Chua sa isang party sa Barangay Poblacion sa Makati, kahit naka-quarantine ito sa nabanggit na lugar matapos itong manggaling sa United States, nitong Disyembre 22.

Matapos mabunyag ang insidente, humingi ng paumanhin sa DOT ang nabanggit na hotel at sinabing dakong 11:45 ng gabi ng nasabing petsa nang tumakas si Chua habang ito ay naka-quarantine.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

“Neither did the hotel security personnel nor the front lobby call her attention, and neither was there any effort to report the incident to the Bureau of Quarantine (BOQ), even after her return three days later,” anang DOT.

Nitong Disyembre 26, sumailalim sa RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction) test si Chua at nadiskubreng nagpositibo ito sa sakit kinabukasan.

“The statements made by the hotel management and its public apology were an admission of not just the facts of the incident but as well as their lapses in their responsibility as an accredited establishment of the DOT,” pahayag pa ng ahensya.

Kinasuhan na si Chua ng paglabag sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act). kabilang din sa sinampahan ng kaso ang mga magulang nito, kasintahan at limang iba pa.

Alexandria San Juan