Dahil sa patuloy na pag-iral ng coronavirus disease pandemic, inaprubahan ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang rekomendasyon na suspindihin ang tradisyunal na prusisyon ng Itim na Nazareno o “Traslacion” ngayong taon at lahat ng iba pang aktibidad na nauugnay dito.

Sa isang resolusyon na inilabas noong Martes ng gabi, Enero 4, binanggit ng NTF ang pag-usbong ng iba't ibang variant of concern sa bansa - Alpha, Beta, Gamma, Delta, at Omicron - bilang isa sa mga dahilan ng pag-apruba sa rekomendasyon na suspindihin ang Traslacion.

“Now, therefore, be it resolved, the NTF approves the following: The ‘Traslacion’ or the procession of the Black Nazarene’s image and all other activities related to such is suspended,” sabi ng Task Force.

Dagdag nito, ang Minor Basilica of the Black Nazarene ng Quiapo Church ay isasara mula Enero 7 hanggang 9 at walang magaganap na pisikal na Banal na Misa sa mga nasabing petsa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“All holy Masses will be aired online nationwide,” ani NTF.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang NTF sa Manila Police District (MPD) at ang Joint Task Force COVID Shield para magtatag ng mga checkpoint at magtalaga ng mga security personnel "para pigilan ang mga deboto/tao na magtipon" sa paligid ng Quiapo Church.

Ang Traslacion ay isang celebrated occasion na ipinagdiriwang taun-taon ng mga mananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng pagsali sa prusisyon ng Itim na Nazareno isang imahen ni Hesukristo, sa palibot ng Quiapo Church.

Ito ay paggunita sa paglipat ng pinangalanang imahen ng Itim na Nazareno mula Intramuros, Maynila patungo sa Quiapo Church noong 1767.

Ang Traslacion ay madalas na umani ng milyun-milyong tao sa Quiapo Church ngunit mula simula 2021 ay ipinagbabawal na ito dahil sa pandemya.

Ang Metro Manila kamakailan ay nakaranas ng mabilis na pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19 sa gitna ng banta ng variant ng Omicron, dahilan para ilagay sa Alert Level 3 ang kabisera ng rehiyon.

Martin Sadongdong