Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng isa pang National COVID-19 Vaccination Days para naman sa mga senior citizens.

Sa Go Negosyo forum nitong Miyerkules, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na kailangan ang mas agresibong kampanya para sa booster vaccination ng mga matatanda.

“We are planning to put up a national vaccination day for the senior citizens,” aniya pa.

Matatandaang noong Nobyembre at Disyembre, 2021 ay nagsagawa ang pamahalaan ng 3-araw na National COVID-19 Vaccination drive sa bansa.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Sinabi ni Duque na sa ngayon, mahigit 50.1 milyong katao na ang nakakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19.

Mayroon naman aniyang 1.96 milyong booster doses na ang naiturok na ng pamahalaan hanggang nitong Enero 2, 2022.

Mary Ann Santiago