Posible ring isailalim sa Alert Level 3 ang Laguna dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan.

Paliwanag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III nitong Miyerkules na sinangguni na siya ng Epidemiology Bureau ng DOH hinggil sa usapin.

“I was just told earlier by the [Department of Health] Epidemiology Bureau that Laguna might also have to be placed under Alert Level 3,” ayon pa kay Duque, sa idinaos na Go Negosyo town hall meeting.

Matatandaang simula Enero 3 hanggang 15, 2022 ay isinailalim na ng pamahalaan ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 dahil sa mabilis na pagdami ng COVID-19 cases.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Ang Bulacan, Cavite, at Rizal naman ay nasa ilalim na rin ng Alert Level 3 simula nitong Miyerkules, Enero 5 hanggang 15, 2022.

Mary Ann Santiago