LOS ANGELES, United States — Isang set ng kambal ang isinilang sa magkaibang taon sa California kamakailan.

Si Alfredo Antonio Trujillo isinilang 11:45 ng gabi sa Bisperas ng Bagong Taon sa lungsod ng Salinas.

Makalipas ang 15 minuto, sa Araw ng Bagong Taon, ipinanganak ang kanyang kapatid na si Aylin Yolanda Trujillo.

Ayon sa Natividad Medical Center kung saan isinilang ang mga sanggol, bihira at sa katunayan ay “one-in-two-million chance” na maipanganak sa magkaibang taon ang isang kambal.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“It’s crazy to me that they are twins and have different birthdays,” ani Fatima Madrigal, ina ng kambal.

Inilarawan ni Dr. Ana Abril Arias ang kambal bilang “one of the most memorable deliveries of my career.”

“It was an absolute pleasure to help these little ones arrive here safely in 2021 and 2022.”

Tumimbang sa six pounds at one ounce o 2.75 kilo si Alfredo habang si Aylin, ay malusog na isinilang sa five pounds at 14 ounces.

Sinasabi ng Centers for Disease Control and Prevention na humigit-kumulang 120,000 kambal ang isinilang bawat taon sa Estados Unidos, na kumakatawan sa halos tatlong porsyento sa mga kapanganakan sa rehiyon.

Agence-France-Presse