Tumatanggap na ng mga nais magpa-booster shot laban sa coronavirus disease 2019 (COvid-19) ang Caloocan city government, kahit na hindi residente ng lungsod.
Nitong Miyerkules, Enero 5 iniutos ni Mayor Oscar Malapitan na buksan ang lahat ng vaccination site para samga nais magpaturok ng booster shot.
Kinakailangan lamang na 18-anyos pataas at fully vaccinated na sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong buwan kung naturukan na ng Janssen vaccine.
Sinabi pa ng pamahalaang lungsod na maaari rin silang mag-walk-in na lamang sa mga vaccination site at dalhin lamang ang vaccination card, kasama ang ID.
Orly Barcala