Umaabot na ngayon sa halos 40,000 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 10,775 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Enero 5, 2022.
Umaabot na ngayon sa 2,871,745 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 1.4% pa o 39,974 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Naitala ang 33,866 mild cases; 2,983 na moderate cases; 1,512 ang severe cases; 1,294 ang asymptomatic at 319 ang kritikal sa sakit.
Nilinaw ng DOH, aabot din sa 605 bagong gumaling sa sakit kaya nasa 2,780,109 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.8% ng total cases.
Nasa 58 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman, gayunman, ang mga ito ay pawang binawian ng buhay noon pang nakaraang taon.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,662 total COVID-19 deaths o 1.80% ng kabuuang kaso.
Mary Ann Santiago