Isang kongresista mula sa Quezon City ang naghain ng panukalang batas na maaaring maghikayat sa mga Pilipinong nag-aalangan pa rin sa pagtanggap ng bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Sa paghahain ng House Bill 10644 na nagbibigay ng isang beses na P15,000 cash assistance sa mga pamilyang nakatanggap ng mga bakuna sa COVID-19, sinabi ni QC 5th District Rep. Alfred Vargas na umaasa siyang mapabilis ng gobyerno ang inaasam nitong herd immunity at kasabay nito, ay makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga Pilipinong dumaranas ng matinding epekto ng pandemya.

Ang HB 10644 o ang Ayuda sa Bakuna bill ay naglalayong magbigay ng cash assistance program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bilang karagdagan sa mga aktibidad ng social amelioration ng ahensya.

“This measure not only alleviates the sufferings of our fellow Filipinos in this two-year global pandemic, it also helps solve the problem by encouraging science-backed vaccination and accelerating our achievement of herd immunity,” sabi ni Chairman Vargas ng House Committee on Social Services.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“It prioritizes the poorest of the poor and the most vulnerable sectors of our communities,” dagdag niya.

“These include senior citizens, persons with disabilities, and persons with comorbidities. The program will, however, cover all eligible Filipino families, as long as living and qualified members have complied with the government’s prescribed vaccination program,” sabi ng mambabatas.

Inihain ni Vargas ang panukalang batas bilang tugon sa pabago-bagong kalagayan sa pandemya, lalo na sa lumalaking banta ng Omicron variant sa Pilipinas.

Sa paliwanag ng panukalang batas, sinabi ni Vargas na dapat ilagay ang mas matibay na social safety nets upang suportahan ang maraming marginalized na sektor at protektahan sila mula sa kahirapan.

Kasabay nito, ang programang "Ayuda sa Bakuna" ay nakatutulong na mabawasan ang pag-aalinlangan sa bakuna, na patuloy na humahadlang sa pagsisikap ng gobyerno na kontrolin ang COVID-19.

Matatandaang nabigo ang pambansang pamahalaan na maabot ang target nitong ganap na mabakunahan ang 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng 2021, ngunit nagpahayag ng kumpiyansa ang mga opisyal na matutupad nila ang kanilang layunin sa loob ng Enero.

Noong Disyembre, tinukoy ng Department of Health (DOH) ang limang rehiyon na may mababang rate ng pagbabakuna. Ito ay ang Regions 3 (Central Luzon), 4A (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Vaccines save lives. Our nation’s strong vaccination drive has already shown that. Our Ayuda sa Bakuna program reflects the Filipino people’s values of bayanihan and damayan: to defeat COVID-19 and take back our normal lives from this virus, we need to help each other. We need to make sure that no one gets left behind,” dagdag ni Vargas.

Ben Rosario