Hindi lamang pagbabalik-free TV, sa pamamagitan ng A2Z Channel 11, ang pasabog ng TV Patrol sa unang linggo ng 2022!

Image
Larawan mula sa Twitter/TV Patrol

Nitong Lunes, Enero 3, ay pormal nang ipinakilala ang ANC sportscaster na si Migs Bustos bilang bahagi ng flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol, hindi bilang weatherman, kundi binigyan siya ng ibang segment na tiyak na aabangan ng mga Kapamilya viewers.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Salamat Lord. YOU are the reason for this. Salamat to all the bosses of @abscbn @abscbnnews for the trust in creating this new segment," pagpapasalamat ni Migs sa kaniyang Instagram post nitong Enero 3.

"Ang tawag po dito ay #UsoAtBago na mapapanood sa TV Patrol. Kung ano man ang uso at bago sa gadgets, in na activities o gawain, ifi-feature natin 'yan! Please continue on watching TV Patrol, ngayon nasa free TV na sa A2Z, Facebook, YouTube at lahat ng digital platforms ng ABS-CBN!"

Bukod sa Panginoon, family and friends na sumuporta and knew what my journey was like, mas malaking pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilya na nag-tweet, nag-message at nagpaabot ng suporta mula noon pa. Thank you! Basta ang misyon ko, to be able to tell these stories to the best of my abilities. Kaya ngayong bagong taon, dahil sa #UsoAtBago segment, mas nadagdagan pa ang motivation ko to hone the craft. Always an honor to serve our flagship newscast. #KapamilyaForever," ayon pa kay Migs.

Migs Bustos (Larawan mula sa IG)

Migs Bustos (Larawan mula sa IG)

Migs Bustos (Larawan mula sa IG)

Image
Migs Bustos (Larawan mula sa Twitter)

Matatandaang sa kasagsagan ng paglisan ni Kuya Kim Atienza sa TV Patrol at ABS-CBN at paglundag sa GMA Network ay malakas ang panawagan ng mga netizen na si Migs Bustos daw sana ang ipalit sa kaniya bilang weather forecaster. May mga gumawa na nga ng memes na inilagay ang kaniyang litrato sa TV Patrol habang nag-uulat ng lagay ng panahon. May mga nagbiro pa na kung si Migs ang mag-uulat ng panahon ay kay sayang malaman kung may paparating na bagyo.

Ngunit ang nadagdag sa isang umalis ay tatlo na may magkakaibang segment: si Boyet Sison para sa mga trivia, si Winnie Cordero para sa mga daily tips, at si Marc Logan naman ang mga kuwentong kakaiba at katatawanan.

Bago magtapos ang 2021 ay nadagdag sa kanilang pamilya ang dating PAGASA resident weather forecaster na si Ariel Rojas, na siya na ngayong resident weather forecaster ng TV Patrol, at ABS-CBN.

Kamakailan lamang ay nagpaalam na ang isa sa mga batikang news anchors ng TV Patrol na si Julius Babao, para umano sumikhay sa ibang oportunidad sa labas ng Kapamilya Network na naging tahanan niya sa loob ng 28 taon. Bulung-bulungan na siya ang papalit kay Raffy Tulfo sa 'Frontline Pilipinas' sa TV5. Tumatakbong senador si Raffy Tulfo sa halalan 2022.