TAKGAWAYAN, Quezon-- Limang miyembro ng isang pamilya ang mapalad na nakaligtas nang mahulog sa bangin angkanilang sinasakyang Sport Utility Vehicle (SUV) kaninang madaling araw, Enero 4, sa Bgy. San Vicente.

Base sa paunang ulat mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) nabatid na minamaneho ni Teofoldo Payo, 68, ang sasakyan galing Manila patungong Samar.

Ang mga sakay nito ay ang kaniyang asawa, anak na babae at dalawang apo. Sila ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na dinala sa pagamutan.

Dakong alas-4:30 kaninang madaling araw binabagtas ng sasakyan ang bahagi ng nasabing lugar at pagsapit nito sa palusong na bahagi ay nawalan ng kontrol at nag-overshoot kung kaya bumangga sa poste ng kuryente at bumulusok sa bangin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nang makarating ang impormasyon sa MDRRMO, nirespondehan agad ng mga barangay tanod, Tagkawayan PNP at Fire Brigade ang mga biktima.

Danny Estacio