Asahan na magiging maayos at tuluy-tuloy na ang suplay ng kuryente.Ito ay matapos tiyakin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tapusin na hanggang katapusan ng buwan ang restoration sa iba pang transmission lines sa Bohol at Southern Leyte na pinabagsak ni bagyong Odette.
Kabilang sa mga transmission lines na hindi pa available ang San Miguel-St Bernard 69KV line na kayang tapusin ngayong Enero 11.
Sineserbisyuhan nito ang SOLECO o Southern Leyte Electric Cooperative.
Habang ang Ubay-Trinidad-Carmen 69KV line na nagseserbisyo sa Bohol Electric Cooperative 1 at 2(BOHECO 1&2) ay target na matatapos sa Enero 31.
Ayon pa sa NGCP, may anim na lang na 138KV line ang hindi pa available sa ngayon at isa naman ang handa na para sa energization.
Huling transmission line na natapos ang restoration noong Enero 2 ay ang Colon-Samboan 138 KV line.
Ito ang backbone line na nagsisilbi sa buong lalawigan ng Cebu.
Beth Camia