Positibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP), pagkukumpirma niya nitong Martes ng umaga, Enero 4.

Sinabi ni Carlos na bukod sa kanya, nagpositibo rin ang driver ng kanyang service van at isang police aide base sa resulta ng swab test na siya mismo ang nag-utos noong Linggo, Enero 2, nang ilan sa mga tauhan ng kanyang official residence sa Camp Crame sa Quezon City ay nakaranas ng lagnat.

“This is to confirm that I, Police General Dionardo B Carlos, tested positive for COVID-19 virus,” ani Carlos sa isang mensahe sa midya.

Sinabi niya na ang virus na tumama sa kanya ay pinaghihinalaang isang Omicron variant.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I experienced fever, chills and body sweats Sunday evening but come Monday 03Jan22, only lower back pain remains,” sabi ng hepe ng pulisya.

Nitong Martes ng umaga, sinabi niyang nasa 37.1 °C ang temperatura ng kanyang katawan habang normal naman ang presyon ng kanyang dugo. Kasalukuyan din siyang naggagamutan.

Sinabi ni Carlos na ipinaalam na niya kay Pangulong Duterte ang insidente, gayundin kay Interior Secretary Eduardo Año.

“I was advised to rest. I will consider this time I am under quarantine that Im just taking my much needed Christmas and New Year’s break,” ani Carlos.

Aaron Recuenco