Matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 12 empleyado, nagpasya ang Sandiganbayan na suspendihin ang trabaho simula ngayong araw, Martes, Enero 4, hanggang Enero 6, Huwebes.

Sinabi ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo M. Cabotaje Tang na ang tatlong araw ay ilalaan para sa disinfection ng mga opisina at komprehensibong contact tracing.

“Any extremely urgent matters requiring onsite presence may be acted upon accordingly by the concerned offices subject to the discretion of the respective Justice/ Head of Office,” pagbabanggit ng memorandum ni Tang.

Ang pagsususpinde sa trabaho ay inirekomenda ng seksyong medikal ng anti-graft court matapos ang mga antigen test na isinagawa sa mga opisyal at tauhan noong Lunes, Enero 3, at inaprubahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinuspinde rin ng Korte Suprema (SC) ang trabaho hanggang Miyerkules, Enero 5 dahil sa pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19 sa mga tauhan.

Sinabi ni Chief Justice Gesmundo na magpapatuloy ang trabaho sa SC sa Enero 6 kung saan 50 porsiyento ng mga tauhan ang pisikal na nagre-report para sa trabaho mula 9 a.m. hanggang 3 p.m. sa Lunes, Martes, at Miyerkules. Ang iba pang 50 porsyento ay mag-ooperate mula Huwebes, Biyernes, at Sabado.

Ang lahat ng opisyal at empleyado ng SC ay kinakailangang magtrabaho mula sa bahay (WFH) sa loob ng dalawang araw upang makumpleto ang kinakailangang 40-oras na linggo ng trabaho.

Para sa mga trial court sa NCR, ang skeleton force na hindi bababa sa 30 porsiyento hanggang 50 porsiyento ay “papanatilihin upang sapat na matugunan ng mga korte ang mga bagay at alalahanin, hangga’t magagawa” mula Enero 3 hanggang 15, Deputy Court Administrator at nauna nang inihayag ni Officer-in-Charge ng Office of the Court Administrator Raul Bautista Villanueva.

Nauna nang isinailalim ang National Capital Region sa mas mahigpit na COVID-19 Alert Level 3 hanggang Enero 15.

Jel Santos