Nagsagawa ng libreng Mobile Antigen Swab testing ang City Health Department (CHD) ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa mga piling barangay sa lungsod, makaraang itaas sa Alert level 3 ang National Capital Region (NCR) sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Alas 8:00 kaninang ng umaga, dumaong ang mga tauhan ng CHD sa basketball ng North Deparo, Barangay 168, saan dinagsa ito ng mga residente na gustong magpa-swab test.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, isinailalim din sa antigen test ang mga nakararanas ng sintomas ng COVID-19 at ang nagkaroon ng exposure sa mga taong nag-positibo sa virus.

Layon ng alkalde na mailapit sa mamamayan ang libreng testing upang mapigilan ang hawaan sa komunidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makalipas ang dalawang oras, tumungo ang CHD sa Caloocan South, Barangay 8 Hall, Sabalo upang doon naman nagsagawa ng libreng testing.Samantala, isinailalim sa disinfection ang New City Hall sa 8th Street, 8th Avenue, Caloocan City, upang makaiwas sa banta ng virus ang mga empleyado at mga mamamayan na nagtutungo roon.

Marami ring mga residente ang tumugon at nagpa-swab test.

Kahit kasi nasa ilalim ng Alert level 3, tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng City Hall at muling ipinatupad ang skeletal workforce arrangement, maliban sa mga tanggapan na tumutugon sa emergency at COVID-19 response.

Orly L. Barcala