Kahit wala pang batas, iginiit ni Interior Secretary Eduardo Año na balak ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na magpatupad ng mandatory vaccination laban sa COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Año na may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng naturang hakbang.
“Gusto sana natin talagang gawing mandatory ito pero nga wala tayong batas except ‘yung mga local government units, may kapangyarihan sila diyan,” giit niAño.
Kaugnay nito, pinag-uusapan din aniya ng IATF ang pagkakaroon ng mas murang COVID-19 tests.