Isinara at ini-lockdown ang Kamara bunsod ng banta ng Omicron coronavirus variant na ayon sa Department of Health (DOH) ay sanhi ng mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19.

"The House of Representatives is currently under lockdown to prevent the spread of Omicron," pahayag ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza sa mensahe sa mga reporters noong Martes.

Ayon kay Mendoza, ang pagsasara sa mga tanggapan ng Kapulungan ay upang protektahan sa virus ang mga mambabatas at kawani.

Ang Kamara ay muling bubuksan sa susunod na linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipagpapatuloy ng Kongreso ang sesyon sa Enero 17. Mananatili ang sesyon hanggang Pebrero 5, at pagkatapos ay mag-aadjourn para sa campaign period sa halalan sa Mayo 2022.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-lockdown ang Kapulungan dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19. Noong Marso 2021, nag-lockdowan ng Kamara nang apat na araw matapos magpositive sa virus ang ilang empleyado nito.

Una rito, inanunsyo ng Supreme Court ang work suspension nito mula Enero 3 hanggang 5 matapos mag-positive ang maraming kawani sa antigen tests noong nakaraang linggo.

Bert de Guzman