Ipinag-utos ng Korte Suprema nitong Martes, Enero 4, ang preventive suspension laban sa abogadong si Lorenzo G. Gadon kasunod ng hayagang pambabastos sa social media ng abogado kay South China Morning Post Manila Correspondent Raissa Robles kamakailan.

Sa isang resolusyon, inatasan si Gadon na ipaliwanag sa SC kung bakit hindi siya dapat ma-disbar.

Ang kanyang preventive suspension bilang isang abogado ay ipinapatupad at iiral hanggang sa bawiin ng SC.

Sinabi ng public information office (PIO) ng SC na noong Disyembre 15, 2021, “nag-viral sa social media ang isang video ni Gadon na nagbibigkas ng mga kabastusan laban kay Robles, kung saan ang una ay lumitaw na galit na galit na tinawag ni Robles si Ferdinand 'Bongbong' R. Marcos na isang tax evader."

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Sinabi nito na "hinimok ng publiko ang Korte at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na disiplinahin si Gadon sa kanyang pinakahuling bulgar na pananalita habang sinabing ang mga aksyon ni Gadon ay hindi lamang isang insulto kay Robles, kundi sa buong legal profession.”

Nagsagawa ng agarang aksyon ang SC, aniya, at inaksyunan ang mga reklamo.

Sinabi ng PIO na "Si Gadon, sa mga nakaraang pagkakataon, ay nagpakita sa publiko ng parehong uri ng pag-uugali, kung saan siya ay kasalukuyang nahaharap sa mga reklamo sa disbarment sa harap ng Korte at ng IBP."

“In a Resolution issued today, Jan. 4, 2022, the Court En Banc motu proprio (on its own initiative) treated the matter as a formal administrative complaint for disbarment against Gadon, who was given a non-extendible period of 10 days to file his comment, in consideration of the numerous prior controversies leading to the disbarment cases filed against Gadon, and the most recent viral video where he displayed the same controversial behavior despite previous warnings,” sabi nito.

Sinabi nito na inutusan ng SC ang Office of the Bar Confidant nito na magsumite ng updated na listahan ng mga nakabinbing administrative cases laban kay Gadon sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap ng Resolution, habang ang IBP ay kinakailangang magsumite ng status report ng mga administrative cases ni Gadon.

Sinabi ng PIO na dati nang “pinarusahan ng SC si Gadon ng tatlong buwang suspensiyon sa isang disbarment case noong 2019 para sa mga pahayag na ginawa niya tungkol sa mabagal na paggamit ng mga legal remedy at maraming kailangang resources sa proseso nit; t ang malisyoso at aroganteng pananalita na ginamit niya laban sa kalaban at sa kanyang abogado.”

Sa kasong iyon, sinabi nito na "pinaalalahanan na ng Korte si Gadon na maging mas maingat sa kanyang mga aksyon at pigilan ang kanyang sarili sa pagpapakita ng sama ng loob at pigilin ang paggamit ng mapang-abuso at hindi kanais-nais na pananalita."

Sinabi nito na ang SC ay nagbabala na "ang pag-uulit ng pareho o katulad na aksyon ay seryosong aaksyunan.”

“But despite such warning, Gadon has continued to display similarly abhorrent behavior, with the viral video against Robles,” dagdag nito.

Rey Panaligan