Umapela si Senador Risa Hontiveros nitong Martes sa gobyerno na dagdagan ang kapasidad ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa buong bansa at paigtingin pa ang information drive nito habang ang Omicron variant ay patuloy na nagpapakita sa tunay na kalagayan ng kasalukuyang pandemya.

Sinabi ni Hontiveros na dapat partikular na bigyang-pansin ng Department of Health (DOH) ang mga lugar na may mas mababang vaccination rate, at makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) at pribadong sektor para magdagdag ng mas maraming vaccination sites at vaccination teams para mas maraming tao ang mabakunahan.

“The active COVID cases have nearly doubled in three days. The positivity rate is almost four times the ceiling set by the World Health Organization (WHO),” sabi ni Hontiveros sa isang pahayag.

“Huwag na nating hintayin na sobrang lumala pa ang sitwasyon bago tayo gumawa ng paraan para mapabilis ang ating pagbabakuna,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dapat din aniyang palakasin ng DOH ang information drive nito tungkol sa booster shots upang ang mga taong nabakunahan na sa nakalipas na tatlong buwan mula noong kanilang pangalawang dosis ay maka-avail ng booster.

Gayundin,binigyang-diin ulit niya ang kanyang panawagan para sa Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing mas abot-kaya at accessible sa mga tao ang COVID-testing, lalo na ang mga may sintomas.

“In addition to this, the Bureau of Quarantine also has to ensure that they have enough personnel to properly monitor the accredited quarantine facilities so nobody dares to violate the strict quarantine protocols,” sabi ni Hontiveros na tumatakbong muli sa pagkasenador.

Gayunpaman, sinabi ni Hontiveros na dapat makipagtulungan ang publiko at sundin ang health safety protocols at patuloy na maging mapagbantay.

“Huwag tayong maging kampante. Huwag balewalain ang panganib na dala ng COVID variants,” giit ng mambabatas.

“Patuloy nating sundin ang minimum health protocols, lalo na at kailangan ng dagdag na proteksyon ng mga senior citizens at ng mga may commorbities,” dagdag niya.

Sinabi ni Hontiveros na naniniwala siya na ang surge capacity ng health system ng bansa ay mas malakas ngayong 2022.

Pagpupunto ng senadora, “Papasok na tayong mga Pilipino sa ikatlong taon ng pakikipagbuno sa COVID, ngunit huwag nating hayaang patamlayin ng Omicron variant ang ating pag-asa ngayong Bagong Taon.”

Hannah Torregoza