Ipinagpaliban ng De La Salle University (DLSU) ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa gitna ng tumataas na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay DLSU President Br. Bernard S. Oca FSC, kanselado ang Type C classes o "predominantly in-person classes" at onsite thesis work na naka-iskedyul para sa Term 1 dahil sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Sa ilalim ng IATF guidelines sa implementasyon ng alert level system, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 3.
“All students and university employees are enjoined to report/update their vaccination status in the Vaccine Record Monitoring Form. The data gathered shall serve as the reference for official purposes,” ani Oca.
“As we welcome the new year, let us continue to be vigilant and strictly observe the guidelines on safe distancing, hygiene, and sanitation,” dagdag pa niya.
Isasailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang Enero 15.
Gabriella Baron