Posible umanong sa katapusan ng Enero ay umabot na sa "peak" ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay base sa inisyal na projection ng DOH sa kasalukuyang trend ng daily infections.

Nagbabala naman si Vergeire na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, na maaaring dulot na ng mas nakahahawang Omicron variant, ay maging mas malaki pa kumpara sa naitala sa peak ng Delta variant noong nakaraang taon.

“These are rough estimates…we still need to finalize our numbers. What I can give the public as an information right now wouldbe that within initial estimates, the assumption would be based on the calculations that Omicron is eight times more transmissible than Delta and that the peak will happen by the end of January,” ayon kay Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It will be more than the number we saw during the Delta peak,” aniya pa.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng ang Omicron variant na nga ng COVID-19 ang sanhi nang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga bagong COVID-19 infections nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi naman ni Vergeire na maaaring mayroon na ngang local transmission ng Omicron sa bansa sa ngayon.

Matatandaang una na ring iniulat ng DOH na mayroon nang 14 na kaso ng Omicron sa bansa at tatlo sa mga ito ang mga lokal na kaso, kabilang ang dalawa sa Bicol at isa sa National Capital Region (NCR).

Mary Ann Santiago